By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


When elephants fight, ants perish.

When elephants fight, ants perish.

When elephants fight, ants perish. Kapag nag-away ang dambuhalang elepante, kailangan tumabi ang mga langgam. Watch out for the movements of donors in the run up to Nov 15, especially on the side of the opposition.

Nasanay ang mga kandidato sa galawan ng 2016. May ilang tumakbo para pambasag dahil kasama sa strategies ng nanghaharing partido. Mayroon ring mga pakawala para may timon sa kabila.

Dahil sa stratehiyang pagbasag nuong 2016, dala dala pa rin ng kasalukuyang opposition ang splintered base. Kung ang administrasyon ay iisa lamang tandem at mataas pa ang approval ang trust rating ni PRRD, malaking lamang ang administrasyon.

Paano, mababawasan ang 5 tandem sa “oposisyon”? Si Ka Teody ay tumatakbo para sa mga issues. Magiging kasama nya si Walden Bello bilang VP sa substitution sa 15 Nov. Ang tandem na Robredo-Pangilinan, Ping-Sotto, Pacquiao-Atienza at Moreno-Ong ay kailangang mag-usap para isang tandem lang ang oposisyon. Kung walang pagkakasunduan, baka ang mga tumataya(donors) ang gagalaw. At kapag sila ang gumalaw, mapipilitan ang mga nasa oposisyon na magsanib pwersa.

Ang Lacson-Sotto ang walang placeholders. Sila ang forever. Ang iba ay placeholders ang mga VP nito.

Ang pagsasanib ay di nakagawian ng partidong Liberal. Nuong 2007 naging isyu yan kung sino ang predominant majority. Nag-usap usap na. Sino ang kumuha ng ERs?

Pagdating ng 2016, 5 ang tandem. Hindi nailusot ang dapat pagsasama ni Roxas at Poe. Kahit may mali sa COC ni candidate Duterte, pinapasok ng mga may hawak ng timon dahil gustong basagin ang pwersa ni Binay na naging subject ng hearing sa Senado na pinangunahan nina Pimentel, Cayetano at Trillanes. Ang stratehiyang nakagawian ay mambasag.

Magaling ang galawan ng administrasyon kahit nahahati ito sa 3 kampo. Si BBM, walang VP at di pa nagpapangalan ng Senate slate niya. Si Go, VP ang tinakbuhan pero kasama si PRRD sa pagpafile. Si Sen. Bato, dala ng PDP-Laban. Si Mayor Sara, tumalikod.

Ang pagkikita sa Cebu ay simple at ibang grupo ang mga kasama. Wala si PRRD, wala ang PDP. Pero may pagkakasunduan na mag tutulungan: Partido Federal at HNP. Naanduon pa rin ang Lakas-CMD. Bago ang balasa.

Sa tingin nyo walang kampanyang nangyayari? Walang calibration? Walang testing? Sino ang hinihintay ng lahat na magbaba ng baraha? Di ba si PRRD? Lame duck? Walang nagawa? Bastos at palamura? That guy will throw the ace at that critical moment that could cause paralysis for some.

So who is ahead? Look at the movements of the “opposition” and tell me who has the upper hand.

By Malou Tiquia | Author, policy analyst and political strategist.

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com