By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


UPDATED POST:

UPDATED POST:

UPDATED POST:
"Breast-Feeding is Still Best for Baby"

Nais po namin pasalamatan ang Ikkis Ti Candon Global Partners and Sponsors para sa taos-puso nilang suporta at pagtulong sa "Lend A Helping Hand" program.

Naipamahagi po ngayong araw na ito ang mga gatas para sa mga batang may edad 0-6 months, 6-12 months, 1-3 years old at 3 years old pataas. Ang inisyatibong ito ay nagsisilbing tugon para sa mga ina o magulang na sumaklolo po ng tulong sa himpilan ng Ikkis Ti Candon Global at ang admins nito dahil ang mga bata naman po ay hindi nakakakain ng relief goods mula sa ating gobyerno. Batid po namin na mas kailangan ng mga bata ang kumain/uminom ng mga masusustansyang pagkain/inumin gaya ng gatas.

Naiintindihan po namin na lahat tayo'y dumadaan sa matinding krisis at matinding pangangailangan kaya minabuti po naming abutan ng tulong ang mga inang:
✅HIRAP SA PAGPAPASUSO ng kanilang anak;
✅May EXISTING HEALTH CONDITION ang ina na siyang balakid sa kaniyang pagpapasuso;
✅PWDs o Persons With Disabilities;
✅Mga batang inabandona ng kanilang magulang.

Paalala din po sa mga ina na ang breastfeeding ang siyang pinakamainam pa rin na gatas para sa kanilang anak.

Paunawa at paumanhin din po kung hindi po namin mabibigyan lahat dahil limited po ang aming supply. May mga natirang gatas pa po kaya maaari kayong magpalista o i-tag ang mga inang sa tingin ninyo ay mas nangangailangan ng tulong para sa kanilang anak.

Sa mga nais pong tumulong at maging bahagi ng programang ito, pakimessage po kami dito sa page o i-pm si Niño Gadingan at ang ibang admins ng Ikkis Ti Candon Global Action Center.

Sa ngalan po ng Ikkis Ti Candon Global, Ikkis Ti Candon Global Action Center, sa lahat ng admins at members nito, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at tutulong pa sa programang ito. ❤️

Paki-like/follow po ang ating page upang laging updated.

Puwede rin pong bisitahin ang ating website sa www.ikkisticandon.com

#IkkisTiCandonCares #LendAHelpingHand

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com