By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


PNoy, di makakadalo sa pulong ni PRRD ukol sa WPS

PNoy, di makakadalo sa pulong ni PRRD ukol sa WPS

PNoy, di makakadalo sa pulong ni PRRD ukol sa WPS

Hindi makakadalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa balak na pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para talakayin ang isyu sa West Philippine Sea.

Sa isang mensahe na ipinadala sa reporters, sinabi ng kampo ng dating Pangulo, na walang natanggap na pormal na imbitasyon kahit email si Aquino mula sa Malacañang.

Sa statement, sinabing matuloy o hindi ang pagpupulong ay ipinaabot ng dating Pangulo ang kanyang regrets.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Malacañang kahapon, na binabalak ni Pangulong Duterte na pulungin ang sila dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo, at Aquino, para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.

Ito ay sa halip na pulungin ang National Security Council, na pinangungunahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Kasabay nito, nanindigan ang Malacañang na walang teritoryo ng bansa ang nawala sa ilalim ng administrasyong Duterte. | via Radyo Pilipinas

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com