By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


NO VACCINE, NO WORK POLICY, HINDI MAKATUWIRAN

NO VACCINE, NO WORK POLICY, HINDI MAKATUWIRAN

NO VACCINE, NO WORK POLICY, HINDI MAKATUWIRAN

Kinondena ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran ang diumano ay isinusulong ng ilang kumpanya na “no vaccine, no work policy” sa harap ng pagsisimula ng pagbabakuna laban sa Covid-19 sa ating bansa.

Ayon sa Asst. House Majority Leader walang dapat pilitin sa pagbabakuna para lamang makapagtrabaho ang mga mamamayan. Bukod dito, imposible ring mabakunahan ang lahat ng mga manggagawa dahil sa mga nasa priority list pa lang ay kulang na ang dumarating na bakuna sa ating bansa

“There is no basis for the ‘no vaccine, no work’ policy. The President himself said that nobody can be forced to be inoculated. Each person has the right to refuse to be vaccinated,” ayon kay Taduran.

“Although I am encouraging everyone to erase the fear being attributed to the new vaccine, I still believe that vaccination against Covid-19 should be voluntary. Walang pilitan,” dagdag pa ni Taduran.

Itinanggi rin ng Department of Labor and Employment na magpapalabas sila ng ganitong kautusan, ayon kay Taduran.

Inirekomenda ng mambabatas na panatilihin ng mga manggagawa ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols.

“Huwag pa ring magtatanggal ng mask kapag nasa lugar na ng pinagta-trabahuhan. Maghugas ng kamay at mag-alcohol. Palakasin ang immune system at mag-ingat sa paghawak-hawak sa mga nasa paligid. At kung may nararamdamang mga simtomas ng Covid-19, magpahinga muna at magpasuri para matiyak na hindi makakahawa sa kanilang mga kasamahan sa trabaho,” pagtatapos ni Taduran.

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com