Dirty Harry plays the game dirty
Sapul sa camera ang ginawang paniniko ng Purewell player na si Francis Bul-lalayao aka 'Aning' kay Roman Gatchalian ng La Union's Ariannas nitong Huwebes.
Patapos ang 3rd quarter ng Vantage Basketball League sa Batac City noong nangyari ang insidente. Kitang-kita sa video na habang pinag-aagawan ang bola ng dalawang kupunan ay makikita namang tumatakbo papalapit si Bul-lalayao at sinadyang daanin ng siko si Gatchalian.
Bumagsak at nagtamo ng sugat si Gatchalian sa kaliwang pisngi. Duguan ito ngunit agaran namang rumispunde ang medics para sa pangunang lunas nito.
Tuluyang siniko at pinabagsak ng Purewell 111-102 ang Ariannas.
đ¸ Video courtesy of Vantage Basketball League
No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com