BILANG NG MGA BAYAN NA NAKAKARANAS NG PAGBAHA DAHIL SA BAGYONG PAENG SA CAGAYAN, NASA 21 NA AYON SA PDRRMO
Nasa 21 bayan na sa probinsya ng Cagayan ang apektado ng pagbaha dahil sa bagyong "Paeng".
Batay sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) as of 6:00 Am ngayong araw, nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan na apektado ng pagbaha kasama na ang bayan ng Enrile, Baggao, Sta Praxedes, Pamplona, Sta. Ana, Lasam, Ballesteros, Rizal, Solana, Lal-lo , Piat, Alcala, Aparri, Amulung, Sto niño, Allacapan, Gattaran, Iguig, Abulug , Sta Teresita at Tuguegarao City.
Kaugnay nito 125 na Barangay ang kasalukuyang nakakaranas ng pagbaha na may 28,535 na pamilya na binubuo ng 103, 080 na katao na ngayon ay nasa mga evacuation center at sa mga kaanak.
Patuloy namang pinaghahanap ang isang lalaki na mula sa bayan ng Amulung na nahulog sa sinasakyang bangka matapos manguha ng kahoy sa ilog.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag iikot ng mga responders sa kanilang mga nasasakupang lugar para matiyak na nasa ligtas na kalagayan ang mga apektadong residente dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa humuhupa ang tubig baha. (Digna Bingayen)
No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com