By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


Ikkis Ti Candon Global

PNP DIARIES: SA TAWAG NG TUNGKULIN

Ika 30 ng Mayo 2021, Habang nagjojogwalk ang naka off duty noon na si Police Chief Master Sergeant Gilbert Andulay miyembro ng 103rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1, sa tabing dagat ng Brgy. Camarao, Santa, Ilocos Sur , nadaanan nito ang isang komosyon, at bilang isang alagad ng batas, minabuti nyang alamin ang kaganapan sa lugar at doon niya natagpuan ang isang musmos na bata na lupaypay na sa pagkakalunod.

Isang trained first aider si Police Chief Master Sergeant Andulay at agad itong nagsagawa ng Cardio-Pulmonary Resuscitation procedure (CPR) sa bata. Bagama't alam ng pulis ang Minimum Health Standard Protocol ngayong pandemya, mas inisip nyang mas malaking kapahamakan ang mangyayari sa bata kung hindi nya ito maisasalba.

Salamat sa iyong agarang pag aksyon PCMS Gilbert Andulay. Ang buong #TeamPNP ay sumasaludo sa iyong kabayanihan.
#PNPKakampiMo #WeServeAndProtect

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com