By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


Ikkis Ti Candon Global

COLD WEEKEND AHEAD!

Ramdam mo na ba ang pagbugso ng malamig na hangin? Nakakaapekto na ang northeast monsoon (amihan) sa buong Luzon ngayong araw at inaasahang patuloy pa itong lalakas sa mga susunod na araw.

Ramdam rin ang malamig na panahon sa ibang bahagi Southeast Asia at posibleng magkaroon ng "snow" sa ilang bahagi ng Northern Vietnam!

> EPEKTO SA PILIPINAS:

Dahil dito, inaasahan pa ang pagbaba ng temperatura sa Luzon sa mga susunod na araw. Ayon sa mga weather model, maaaring lumapit sa 20 °C ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila sa weekend. Magiging mas malamig naman sa Northern Luzon na kung saan posibleng mas mababa pa sa 20 °C ang temperatura sa mga susunod na madaling araw. Ang aktwal na temperatura ay posible pang mas mababa o mas mataas sa ipinapakita ng mga model. Posibleng bahagyang mas malamig rin ang panahon sa Visayas at Mindanao, ngunit ito ay dahil sa mga pag-ulang dala ng LPA at/o TCZ.

> SA IBANG MGA BANSA:

Ang "surge" ng malamig na hanging mula sa Siberia ay kasalukuyan ring nakakaapekto sa iba't ibang mga bansa sa East at Southeast Asia. Matinding lamig ang nararanasang panahon ngayon sa malaking bahagi ng Mongolia, China, North at South Korea, at Japan. Sa Taiwan at Hong Kong naman, inaasahang magiging "single digit" o mas mababa pa sa 10 °C ang temperatura. Inaasahang mararamdaman rin ang paglamig sa ibang bansa sa Mainland Southeast Asia, katulad ng Thailand (maaaring mas mababa pa sa 10 °C ang temperatura sa hilagang bahagi).

> POSIBLENG SNOW SA VIETNAM:

Ang National Centre for Hydro-Meteorological Forecasting (NCHMF) ng Vietnam ay nagbabala na simula ngayong araw (January 7) ay ramdam na ang matinding lamig sa Northern Vietnam, kung saan ang temperatura ay mas mababa na sa 10 °C (Model Son, Lang Son ay nasa 2.6 °C na). Ngayong gabi at bukas ng umaga ay posibleng umulan ng "snow" sa mga bulubunduking bahagi ng Vietnam, sa mga lugar ng Lao Cai at Lai Chau.

SOURCES:
[1] http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/weather
[2] https://www.tmd.go.th/en/
[3] https://www.facebook.com/NCHMF
[4] https://www.windy.com/?2021-01-12-18,11.135,126.431,5
[5] https://www.cwb.gov.tw/V8/E/W/week.html

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com