By using this site you consent to the use of cookies. Cookies can be managed in your browser or device settings. For more information, please view our Cookie Policy.

News


🔴 FACT CHECK ✅

🔴 FACT CHECK ✅

🔴 FACT CHECK ✅

Walang katotohanan ang kumakalat sa social media na di umano'y positibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng Durong's Bakery sa siyudad ng Candon.

Pinabulaanan ito ni doktora Joy Villanueva ng City Health Office. Ayon sa kanya, ang nabanggit na empleyado ay isa lamang PUM or Person Under Monitoring dahil residente ito ng isang barangay sa bayan ng Tagudin na kung saan nagpositibo ang isang matandang babae ng COVID-19.

Sa magkaibang fact-checking initiative ng Ikkis Ti Candon Global, napag-alaman na ang empleyado ay may history ng asthma at nahihirapan lamang itong huminga.

Bilang safety measures ng siyudad, gumawa naman ng karampatang hakbang ang mga awtoridad upang bigyang askyon ang isyung ito. Naturn over ang naturang empleyado sa PNP Tagudin upang maquarantine ito kasama ang mga iba pang empleyado ng Durong Candon. Pansamantalang sarado naman ang dalawang branch nito para sa disinfection.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa pagpapalaganap ng mga impormasyong hindi naman kumpirmado o di kaya'y fake news. | via Niño Gadingan

Manatiling nakatutok sa Ikkis Ti Candon Global para sa karagdagang updates tungkol sa balitang ito. Bisitahin ang website sa www.ikkisticandon.com para sa iba pang balita.

View On Facebook
Join the conversation!
 
Turn your Facebook Page into a website, instantly.

Try now for 14 days FREE

No credit card required, unsubscribe at any time. pagevamp.com